Sabi ng mama ko huwag na huwag daw akong maglalabas ng wallet sa kalsada. Sabi ng mama ko huwag na huwag daw akong magwiwithdraw sa ATM machine na nasa gilid ng kalsada. Sabi ng mama ko huwag daw akong magtetext habang nakasakay sa jeep. Sabi ng mama ko huwag akong maglalakad sa kalsada sa dis-oras ng gabi. Sabi ng mama ko huwag akong maga-ipod habang naglalakad sa daan.
Talamak daw ang holdupan sa kanto lalo pa’t pahirap ng pahirap ang buhay sa Pilipinas at ang tanging solusyon ng ibang taong naghihikahos ay mangholdup, mansnatch at ang pinakamalala ay makapatay ng di sinasadya alang alang sa cellphone, pitaka, alahas na makakapagpuno sa kumakalam nilang sikmura.
Siguro nga tama lahat ng mga bilin ng mama ko sa akin. Sino ba naman ako para magsabi kung ano ang dapat, tama at makabubuti para sa akin. Oo nga. Hmmm. E paano kung dumating talaga sa point na kailangan mong magwithdraw sa kalsada, maglakad mag-isa sa gabi, maglabas ng wallet sa daan, magtext sa loob ng jeep? May mangyayari ba’ng masama? May bigla bang susunggab sa likuran ko at sasabihing… “holdup to, akin na ang bag mo!”
Pauwi na ako galing sa debut ng classmate kong si Maan. Ginabi na rin kami sa tagal ng daldalan, kainan at kwentuhan. Sa totoo lang, isa na ako sa pinakamaagang umuwi. Nag-aalala kasi ako sa mama ko baka mamaya niyan pagpalain ako at makakuha nanaman ako ng sandamakmak na sermon na daig pa ang tinutukan ng limang alarm clock na sabay sabay tumutunog.
Medyo inaantok na rin ako habang hawak-hawak sa kanang kamay ang souvenir ni Maan sa kanyang debut, isang maliit na babasaging dalaga na nakapink na gown. Pangalanan natin siyang Lala. Kamukha niya kasi yung teacher ko dati na para bang laging aattend ng binyag tuwing papasok sa klase. Nagpasya akong hawakan na lang si Lala dahil baka mabasag siya pag nilagay ko sa loob ng bag ko. O di kaya siya ang makabasag ng mga gamit na nasa loob ng bag ko. Mukha pa namang inaantok na rin si Lala dahil hindi pantay ang pagkakagawa ng kanyang mata. Tamang-tama kamukha niya na talaga ang teacher ko’ng si Ma’am Lala. Mukhang laging puyat sa araw-araw na pagpunta sa mga binyagan. Maya niyan ay magulat na lang ako at magreklamo na nasisikipan siya sa pwesto niya sa loob ng aking backpack. Tamang-tama inaantok na ako.
Bumaba ako ng jeep at tinahak ang madilim na kalsada ng Lacson sa Maynila. Medyo madilim na rin ang daan. Sarado na ang mga tindahan. Ang ilaw sa gilid, parang walang pakinabang. Mukhang pati mga bumbilya ay ninakaw na rin ng mga pundido ang ilaw sa bahay. Dirediretso lang ako. Napapapikit na rin sa antok. Buti na lang wala akong sasakyan at baka maya niyan ay kung saan pa ako mabangga. Sayang yung sasakyan. Pagdating ko sa may dulo ng kalsada, biglang may lalaking humarang sa daraanan ko. Hindi naman katandaan yung lalake. Siguro halos kasing-edad ko rin siya at mapagkakamalan mong nagaaral sa isang mamahaling university. Nakajacket na may hood si kuya na para bang namamasyal lang sa
Bilog pa rin ang mata ko. Mas maliit kumpara sa kanina. Siguro medyo nagsink-in na sa akin ang mga pangyayari. Naalala ko ang mga laman ng bag ko: notes, libro ni Sir Malinao na hirap na hirap akong hanapin sa Recto, cellphone na UNLI pa hanggang bukas, i-pod na may 210 songs, digicam na may pictures namin sa debut at isa ako sa mga inaasahang maguupload sa Multiply, wallet na may pera at cash card.
Medyo umakyat yata lahat ng dugo ko sa katawan at lahat ng balahibo ko ay tumaas. Daig pa ang mapakinggan ng live si Charice Pempengco. Naalala ko si Lala. Tama si Lala. Si Lala na lamang ang tangi kong makakapitan. Si Lala na lang ang tanging makakapagligtas ng bag ko. Walang pakundangang hinampas ko si Lala sa mukha ni kuyang holdupper. Sapol sa may gilid ng mata. Naisipan ko nang tumakbo kaso nahawakan ni kuya ang bag ko.
Pag-uwi ko, tulala pa rin ako. Iniisip ang mga nangyari kanina.
Nagpunta ako ng CR para magpalit ng damit. Pagkatanggal ko ng pantalon, napansin kong may hiwa sa aking hita. Walang hiyang kuya yun, sinugatan pa ako. Ngayon ko lang naramdaman yung sakit at hapdi. Ganito pala yung tinatawag na adrenaline rush. Yung tipong kaya mong buhatin ang ref pag umabot na sa first floor ang baha sa bahay niyo.
Pagkatapos ng tagpong yon, naging paranoid na ko sa kalsada. Kung saan saan ako lumilingon na para bang lahat ng tao sa paligid ko ay tutukan ako ng kutsilyo. Kulang na lang lahat sila magmukha na ring kutsilyo.
At para kay kuya na nagpamalas sa akin ng hindi malilimutang experience, “
----
Isinulat ng isang manunulat na nangangarap maging isang manunulat.
No comments:
Post a Comment